Ayoko Nagpaplantsa!
03/30/2008
OO. AYOKO NAGPAPLANTSA!

If there's one chore I hate it's this one. Maghugas na lang ako ng pinggan. Kahit ilang pinggan.
Bakit ayoko magplantsa? Una hindi ako marunong. Tao lang.
Pangalawa, masyadong matagal ang pagpaplantsa. Akalain mong isang polo lang lampas 10 minutes (at least ako ha)! At dahil matagal magplantsa, by the time na tapos ka na e masakit na likod mo. Bawal pa daw magbasa ng kamay pagkatapos! Pano na ko mag....hugas ng pinggan?
E kung ayoko bakit ko ginagawa? Ang mahal na kasi ng "wash, iron and fold" sa laundry shop dito samin kaya hanggang "wash and fold" na lang muna ko. Oo, dukha lang ako. Gwapo naman. Sabi ng nanay ko.
Sandali. Tinatawag na ko ng plantsa. Gamitin ko na daw sya.
Posted by mike_test 01:21







